Kaklase

KAKLASE



Mga kaklase kong maingay
Kahit saang sulok mo ilagay
Makikita at malalaman mo kung sino sila
at maririnig ang ingay gamit ang dila

Guro nami'y kay saya kasama
Kaya't kaming mga estudyante niya'y 
palaging sama-sama
At ang pagmamahal niyang ibinigay
Ay aming nadama kaya't siya'y minamahal 
naming tunay

Laganap ang usapan sa aming silid
Mga kaklase ko'y nasa gilid
Kami'y dalaga't binatang naglalaro
Ngunit dapat rin naman kami matuto

Sa aming malaking tawa
may tinatago sa likod ng saya
Maraming kaming problema
ngunit dinadaan lang namin sa tawa

Mahal namin ang isa't-isa
Kaya kami ay palaging sama-sama
May problema man ngunit ito'y kinakalimutan
Kaya hindi mabura sa'ming isipan ang samahan.

Mga Komento